Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Friday, April 08, 2005

MC

oh mother mother i am sick!
call the doctor vey quick!

naalala ko lang kanta ni yoyoy, 2 days kasi akong absent.
sarap talagang magkasakit, nakaka-relax.

dito sa singapore, obligado kang pumunta sa doctor pag may sakit ka, kailangan kasi ng Medical Certificate para sa application ng medical leave sa company. So kahit masakit lang ng kunti ang tyan mo, kailangan mong umarte sa doctor na masakit talaga para bigyan ka ng MC. tanga ka na lang pag ininom mo ang gamot na binigay dahil sasakit talaga tyan mo. kanya-kanyang arte lang naman yan, pag lalamunan, syempre kailangan, ubo ka ng ubo kunwari. eh pano kung trangkaso? lagyan mo ng bawang at sibuyas ang kilikili mo para tumaas ang temperature mo, bwhehehe.

2 comments:

Ka Uro said...

mr. tanggero, mapapadalas ako dito sa site mo. kakaaliw. pero may request lang sana ako. pwede bang tanggalin mo yung gumagalaw na rectangle na pabalik-balik left and right? baka kasi kapag nakita ako sa opis kala nila naglalaro ako.

Tanggero said...

ka uro!!! welcome sir, yaan mo lalashengin kita, hehehe.