Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Tuesday, February 15, 2005

Freebies

Nag-renew ako ng subscription sa internet. For my past 2 years subscription, nasa S$50 (around P1500) monthly ang bayad ko for DSL 250kbps unlimited usage at may free na DSL modem at wireless mouse. Ngayong nag-renew ako for another 2 years, mas ok ang mga freebies.

For 1500 kbps (6x my previous bandwidth) unlimited at $68 per month:
1. $250+ celfone voucher or $10 monthly rebate-I choose the rebate kaya naging $58 monthly na lang.
2. free DSL modem
3. free 1 month video-on-demand access to watch the movies from their database at ang malupet-
4. free Panasonic ST HT520 DVD Home Theatre System.

Last december pa nag-expire yung subscription ko pero di pa muna ko nag-renew dahil alam kong mas marami silang pakulo pag chinese new year. Ti-nest ko kagabi yung home theatre, di na masama. Most probably, pang-sound trip ko na lang 'to kasi may DVD player na kami na ginagamit ni baby S sa mga cartoons at educational cd's nya.

Enjoy nga pala yung bakasyon namin sa Malaysia, ayaw na ngang umuwi ni baby S at dun na lang daw kami tumira. Sarap nga namang mag-stay ng matagal dun, sa ibaba ng hotel, may mall at sa labas naman, may water theme park. Pasyal at kain lang kaya enjoy yung bata. I'll post the pictures sa Blog Shots Page.

May e-mail kanina galing sa itaas, nagso-sorry dahil hindi raw naisama yung taunang 'hong bao' (ang pao) sa sweldo last month at papasok sa account bukas. AYOS! Baka di makatulog at nakukunsensya kaya binigay din, hehehe. Salamat na rin kahit maliit lang, at least may award man lang ang mga paghihirap namin. Ganda nga ng ngiti ng mga tao dito, kaya maghapong nakatakip ilong ko, daming bad bret, whew!

7 comments:

Anonymous said...

sira ulo ka talaga! Ai

rolly said...

Ayos pre. Inuman na!!!

Anonymous said...

swerte mo naman.

ako, malas. napunta ako sa amo na hindi naniniwala sa pasko, sa birthdays, at kung anu-ano pang mga okasyon. i wonder kung ano pa thrill ng buhay nila. haaayyy!!!

Tanggero said...

ai, kaya nga lab na labs mo ko eh :)

sir rolly, tagay mo na!

anonymous, batukan mong kunti, baka matinag, thanks a comment

fionski said...

Tanggeroo from australia! Musta? Happy ba VD nyo ni Ai? May you have many more VDs to cum! Sorry late na dami kong ginagawa dito sa bahay. Haaaayy!!

Tanggero said...

yo fionski, kaw? happy ba vday mo? ,hehee

napluchie said...

hello mr. tanggero matanong ko lang singnet ka ba or maxonline? just want to know the difference..