Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Saturday, March 18, 2006

TWO timer

This is my only 2nd post for this month, kainis, di makapag update. Alam nyo naman na siguro ang dahilan dahil paulit ulit ko na ngang nai-blog yun, hehehe.
Nagsimula na nga pala akong magbenta sa Yahoo Auction Sg. Unang naibenta ko na yung Bike ko. Then last week, nilagay ko sa auction ang SE K750i celphone ko, aba, pinutakte ng inquiry. And last 3 days ago, may nag click ng BUY NOW. Binigay ko sa kanya ang number ko para ma-arrange ang Deal. Pero after nun, bigla akong nasenti sa celphone ko. Gusto ko sanang palitan ng O2 Atom o flip phone pero mahal ang Atom, baka ma-under utilized lang sya at wala akong magustuhan na flip phone. Nanghinayang na tuloy akong ipagbili ang K750i ko. Umisip ako ng paraan para mag-back-up sag deal na hindi nya ako bibigyan ng Bad Rating. And guest what kung anong excuse ko - Sabi ko nabagsak ko yung phone at malaki ang lamat at bukod dun, nag-hung ang screen, hehehe, yari na naman ako kay San Pedro, may isang demerit point na naman ako. Ayun, ok lang daw na hindi na ituloy ang deal, hehehe. Buti na lang pala di ko naibenta agad, nakalimutan ko kasing burahin yung mga nude photos ko, hehehe.

Napansin ko nga rin pala na nakapalagpas na pala ng 20k ang hits ko. Sino kaya yun pang-20000 hitter. Naligaw lang kaya sya o regular na reader. Naisip ko lang na bigyan sya ng regalo. Hmmmmm, ano bang gift na katumbas ng 20000? 20000 kisses, wet kisses with dila?

7 comments:

KaDyo said...

Okay bago mong pinagkaka-abalahan ha fafi, akala ko tabing -guhit kya ka laging busy hehehe. by the way kung ako yung pang 2000 ayoko ng wet kisses gusto san mig light, alam mo naman address ko dito diba hehe

racky said...

asus, may pa senti-senti ka na rin ngayon! magkano ba sana ang raket mo jan sa handy mo? doblehin ko basta huwag mong buburahin ang laman tapos maibenta sa playgirl...laki ng tubo ko siguro! heheheh

lakas talaga pang-amoy basta may tagayan neh, napapasugod ka ng di oras sa alemanya!

sa palagay ko nga si faffi kaddi ang pang-20000!!! dagdagan mo na lang ng lugaw with century eggs ang premyo niya para solb na solb, pagod yan dahil bagal lumakad iyong kamel niya ...tingnan mo, naglalaway na ...SMB light lang ok na sa kanya :D

gari said...

ang alam ko ay ako.

okay na ako sa SG$ 2,000.00. :-D

salamat na lang sa wet singaporean kiss.

Owen FV said...

20K hits! wow! ako kelan kaya mangyayari yun. im sure - matagal pa!

sa EBAY naman ako nahuhumaling ngayon. pero buyer pa lang ako. hehehe.

Ka Uro said...

hala lagot ka, baka magkatotoong mabagsak ang phone mo.

Tanggero said...

Fafa K! hehehe, les to les na lang with tang.

Mmy Ngengz, tumatayo ang buhok ko sa kilikili pag nakaka amoy ng inuman, heheheh.

Gari! pag ikaw yun, kukuha ko ng sexy at magandang Singaporean.
(P.S. : Singaporean na Pana, hehehe)

Owen! ok din sa ebay, dami lang overseas bidder minsan.

KU! nabagsak nga!

Anonymous said...

This is very interesting site... » » »