Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Wednesday, March 01, 2006

Business As Usual

Sikat ang mga online business dito sa Sg tulad ng Yahoo Auctions/Classifieds at ebay. Siguro hindi mawawala ang mga monkey business at spammers sa internet pero mataas pa rin ang standard at safe ang mga online business deals dito. Common sense na lang din naman ang pakikipag-deal online at engot ka na lang pag naloko ka, hehehe. Actually, madami na rin akong nabili sa auctions tulad ng laptop, which is still in very good condition and with remaining 1+ year warranty, game cartridges at mga books. And recently, naibenta ko rin ang bike ko sa auction. Dun ko naisip na maghalungkat pa ng mga gamit na interesting at maayos pa sa storage cabinet namin. Marami rin akong naka-line-up na ibenta pero wala pa akong time na ayusin, maybe this weekend.

I sell my bike to give way for our new sports hobby - roller-blading. Last 2 weeks pa ako kinukulit ni kulit to buy him a pair pero wala akong mahanap na brand new sa yahoo auctions. Ang unang plano ko kasi, bumili muna ng roller-skates at protective gears for both of us then we'll train and learn how to use it. Nakapag-skating at skateboard din kasi ako nung bata ako kaya naisip ko na madali na lang pag-aralan ito. Sa paghahanap, na-discover ko na meron palang mga inline skates store dito na nag-o-offer din ng tutorials, from basic to advance level. Sa website nila nalaman ko na it is best to learn first the basics before we purchase our own gears. And if we decide to buy after the lessons, they can offer their expertise in choosing the right skates for us at may discount pa kung sa kanila kami bibili.

Kaya Sunday, naka-schedule kami ng Roller Blading Basic Level 1 & 2. Kung free kayo sa Sunday, kitakit tayo sa East Coast Park at 9am. Sana lang wag akong sumemplang.

8 comments:

Owen said...

nabenta mo na pala bike mo! sayang di pa tayo nagba-bike cross. hehehe!

pero ok ynag bago mong experiment ah! enjoy your rollerblading! pwede ako pumunta pero magba-bike lang ako. hehehe!

Ka Uro said...

enjoy your rollerblading siguraduhin mo lang di ka nakainom. :-)

Tanggero said...

Owen! nag-try lang akong i-benta sa Auction, nabili naman agad.
Niloloko nga ako ng barkada, tatay na tatay daw ang image ko, hehehe. Pero gusto ko lang maging masaya ang childhood ng baby ko, di nya kasi mararanasan dito sa Sg yung mga naranasan ko nung bata ako.

KU! iinom nga ako bago mag-roller-blade...ng tubig. Baka hingalin ako, hehehe

nixda said...

marami ka bang kinaing balot sa pinas faffi Tanggy? mapapakinabangan mo ngayon yan! lol

ok na training yan para pagpunta ninyo sa amin, di na kayo mahihirapan sa ice skating :)

Nick Ballesteros said...

Tanggers, noong pinalabas yung Mighty Ducks movie, na-enganyo akong mag-skate pero di na humantong sa rollerblading. Yung bunso namin ang nag-try nun. Binilhan ko pa ng rollerblades. Wala pa sya asawa nun.

Marami rin ako nabiling toys (mostly Macross at Transformers) sa ebay noong 1999. May anak na ako kaya di na ako makabili ngayon ng laruan ko. hehehe

RAY said...

iyong trade me dito na parang ebay naibenta ng owner ng 700 million dollars. Ang bata pa niya 30 yrs. old lang bakit hindi ka kaya magawa rin ng site for trading para sa mahilig tumagay.

Anonymous said...

pano ang bentahan? like yung mp3 player ko a year ago nabili ko sya sa IT show tapos after 6 months pinalitan ng bago ng creative ..madali kaya ibenta yun?

Rey said...

Marami na rin akong nabili sa ebay dito like my projection TV, x-box and some games and accessories. The good thig is that anliit kasi ng sg kaya madali ang transaction.

Palagi rin kami sa Eastcoast during sundays, bro. Hindi nga lang nag- i-scating. toma tsaka tsibog. hehe