Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Monday, March 27, 2006

Gee

Gee! my hair smells like..... Nakapag-shampoo ka na ba ng Lactacyd?

Saturday, March 18, 2006

TWO timer

This is my only 2nd post for this month, kainis, di makapag update. Alam nyo naman na siguro ang dahilan dahil paulit ulit ko na ngang nai-blog yun, hehehe.
Nagsimula na nga pala akong magbenta sa Yahoo Auction Sg. Unang naibenta ko na yung Bike ko. Then last week, nilagay ko sa auction ang SE K750i celphone ko, aba, pinutakte ng inquiry. And last 3 days ago, may nag click ng BUY NOW. Binigay ko sa kanya ang number ko para ma-arrange ang Deal. Pero after nun, bigla akong nasenti sa celphone ko. Gusto ko sanang palitan ng O2 Atom o flip phone pero mahal ang Atom, baka ma-under utilized lang sya at wala akong magustuhan na flip phone. Nanghinayang na tuloy akong ipagbili ang K750i ko. Umisip ako ng paraan para mag-back-up sag deal na hindi nya ako bibigyan ng Bad Rating. And guest what kung anong excuse ko - Sabi ko nabagsak ko yung phone at malaki ang lamat at bukod dun, nag-hung ang screen, hehehe, yari na naman ako kay San Pedro, may isang demerit point na naman ako. Ayun, ok lang daw na hindi na ituloy ang deal, hehehe. Buti na lang pala di ko naibenta agad, nakalimutan ko kasing burahin yung mga nude photos ko, hehehe.

Napansin ko nga rin pala na nakapalagpas na pala ng 20k ang hits ko. Sino kaya yun pang-20000 hitter. Naligaw lang kaya sya o regular na reader. Naisip ko lang na bigyan sya ng regalo. Hmmmmm, ano bang gift na katumbas ng 20000? 20000 kisses, wet kisses with dila?

Wednesday, March 01, 2006

Business As Usual

Sikat ang mga online business dito sa Sg tulad ng Yahoo Auctions/Classifieds at ebay. Siguro hindi mawawala ang mga monkey business at spammers sa internet pero mataas pa rin ang standard at safe ang mga online business deals dito. Common sense na lang din naman ang pakikipag-deal online at engot ka na lang pag naloko ka, hehehe. Actually, madami na rin akong nabili sa auctions tulad ng laptop, which is still in very good condition and with remaining 1+ year warranty, game cartridges at mga books. And recently, naibenta ko rin ang bike ko sa auction. Dun ko naisip na maghalungkat pa ng mga gamit na interesting at maayos pa sa storage cabinet namin. Marami rin akong naka-line-up na ibenta pero wala pa akong time na ayusin, maybe this weekend.

I sell my bike to give way for our new sports hobby - roller-blading. Last 2 weeks pa ako kinukulit ni kulit to buy him a pair pero wala akong mahanap na brand new sa yahoo auctions. Ang unang plano ko kasi, bumili muna ng roller-skates at protective gears for both of us then we'll train and learn how to use it. Nakapag-skating at skateboard din kasi ako nung bata ako kaya naisip ko na madali na lang pag-aralan ito. Sa paghahanap, na-discover ko na meron palang mga inline skates store dito na nag-o-offer din ng tutorials, from basic to advance level. Sa website nila nalaman ko na it is best to learn first the basics before we purchase our own gears. And if we decide to buy after the lessons, they can offer their expertise in choosing the right skates for us at may discount pa kung sa kanila kami bibili.

Kaya Sunday, naka-schedule kami ng Roller Blading Basic Level 1 & 2. Kung free kayo sa Sunday, kitakit tayo sa East Coast Park at 9am. Sana lang wag akong sumemplang.