Kagabi, may meeting ako sa isang kliyente ng tabing-guhit. Actually yung ex-colleague ko naman talaga ang kausap ko dun sa project na yun
pero dahil final revision na, yung boss na nya ang kumausap sa kin. At hindi lang basta boss yun, sya ang CEO ng group of companies na pag-aari ng family nila. Iba talaga ang dating ng mga Boss - cool, confident, articulate and he can just talk about everything under the sun. 20% lang yata ng oras ng meeting namin na napag-usapan ang tungkol sa project namin and the rest is about every business he's doing and will be doing. Iba talaga ang utak ng mayaman, walang iniisip kundi ang mapalawak pa ang empire nya at kumita pa ng pera. Pero nakakabilib din talaga ang attitude and vision nila in doing business and making money. At ok talagang nakikipag-meet sa mga big boss, nakakahawa ng positive aura at madaling maningil, binayaran nya ako agad in full payment, hehe. After the meeting, hinatid nya ako sa tapat ng flat namin, ayoko pa sanang bumaba pero baka bawiin yung binayad nya, hehe. Kagabi lang kasi ako nakasakay ng .BMW 7 series
Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!
Wednesday, February 22, 2006
Drive my BM
Tuesday, February 21, 2006
Sabado Nights
Last saturday was m-i-l's birthday and to celebrate it, we rented a chalet in Downtown East in Pasir Ris, the eastern most part of Singapore. Twas
another night of food and booze plus the music tripping. Since the people here are mostly peace(boring)-loving, playing amplified sounds is prohibittedv in residential areas during the wee hours and if you are a knukle-headed potato like us, you'll always end-up being reported to the guards/police by the peace loving(boring)-people of your neighborhood.
The chalet compound, a cluster of cottage rooms with a bb-q pit and dining table outside each doorway, was crowded by the overnighters like us AND we brought the most audible sound system in the area, HEHE, credit to my bro-in-law, a frustrated hip-hop dj and his mobile paraphernalias. And so, we're there for a vengeance, as we enjoyed the music of Andrew E, Salbakuta and other Pinoy artists. I just don't know what were the reactions of the p-l(b) people surrounding us bec we were busy enjoying ourselves. And as expected, we were ordered to volume-down by the flash-lights-armed-men at midnight. It didn't stopped us from partying, but less the loud
music, pag kasama ang mga 'el tomador', walang matutulog na may tirang alak, sayang kasi, baka mapanis. We packed-up at 4 am.
10am was the check-out time and I was the last one to get my ass to shower. Since the beach was just a stone-throw away, we decided to just stay there the whole day. My b-i-l picked-up my tent and bb-q grill in our flat and there were much leftovers so food was not a problem. Aside from eating, jamming "sa kalye" and sleeping, I also had a chance to show Sean my kite-flying skills. I tied it in a bench and let it fly the whole afternoon. Before we went home, he told me: "Daddy, can you bring down my kite, it's already tired flying eh".
And we end our weekend with kornik war! Hik!
Wednesday, February 15, 2006
A fact for Valentine's day
Any violent reactions from Novemberians? hehehe
Homey
Tapos na agad ang 2 weeks na bakasyon namin, back to being a corporate slave. Ano bang nangyari sa 14 days na bakasyon namin? Kunti lang naman...kunti lang ang pahinga, hehee.
3 days sa Galera, 3 days sa Baguio, 1 day sa sabungan, 1 day nag-ayos ng mga papeles, the rest...inuman, kainan at inuman pa ulit with family and friends.
Ok din pala sa Galera, lapit pa sa amin, the most is 3 hours lang ang byahe. Ang 'the best' dun ay yung snorkeling sa coral garden. Sayang lang dahil wala akong under-water camera, nakunan ko sana si nemo na ginagapang si dorie, hehe. Ok rin ang pagkain at mga bar dun. Gulat lang ako dahil puro 'homo' ang nagse-serve sa mga bar sa white beach, as in 4:1 ang ratio nila sa babae. So wala kaming choice kundi mag-table ng lalakeng may matres. In fairness naman, laugh trip ang nangyari sa min.
Kwela kasi si 'Aira', half-filipino-half-filipina daw sya, hehehe. Napainom nga ako
ng "blow-job" sa sobrang aliw namin sa kanya.
Then sa Baguio, pasyal lang sa mga popular spots dun. Isang gabi lang kaming nakapag-bar sa may session road, 'le fondue' or something yung name ng bar. Live acoustic at mature yung ambiance ng place pero enjoy na rin. Ang masarap, yung makipag-tawaran sa mga tindera sa tiangge dun, sarap mambarat eh, hehee. Kalahati agad ang tawad namin kaya tawa kami ng tawa kasi nagugulat yung tindera, heheh. San ka pa makakakuha ng hand-weave na jacket for 250 pesos, sa Baguio lang :) Sarap lumakad ng mula legarda hanggang sa session rd ng madaling araw at kumain ng inihaw na mais habang naglalakad sa Burnham park.
The day before kaming umuwi dito sa Sg, nakahabol pa kaming magsabong. First time ko sa sabungan kaya excited. Too bad lang dahil natalo yung 2 rooster na nilaban namin. Yung una, isang sipa lang, kisay agad. Tamaan ba naman ng tari sa leeg. Yung 2nd, lumaban ng patayan pero nauna pa rin syang kunin ni San pedro kaya luhaan kaming umuwi. Dinaan na lang namin sa inuman (uli) heheh.
Ok din na may iterenary pag nagbakasyon, nasusulit ang bawat araw. Kaya hanggang ngayon, may hang-over pa. Sarap talaga sa Pilipinas.