Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Monday, June 14, 2004

TANDUAY (Rhum-Cola)

eng-gri-dyents:

Tanduay Rhum
Coke
Ice yelo

Medyo matamis pag hinalo sa coke, tama ba yung narinig ko na nagiging mataas ang acidic content ng rhum pag hinalo sa coke...urban legend!
sarap naman eh, matamis pero swabe ang tama!
Seafoods masarap na kasabay na pulutan dito, wow wee! Masarap yun kinilaw na isda o kaya buttered prawn, syet nakakapaglaway! pero kung may pritong GG, okna rin...hehehe!

Nauso ESQ bata pa ko eh, wala kong maalala na kwento tungkol dito maliban sa pag-iipon ng bote para itinda sa magbobote, singkwenta o piso yata isang bote ng ESQ, pero pag may basag sa nguso, rejected! hehehe, isa to sa pinagkakaperahan ko nun bata pa ko, mga lasenggero kasi tiyuhin ko

Saturday, June 12, 2004

GIN-TONIC

Try nyo to mga tsong! Natutunan ko sa tatay kong ungas!

eng-gri-dyents:

Gin (bilog or gilbey's)
Tonic water or sprite
lemmon lime or kalamansi
slice of apple

Mix 1 part of gin to 1/2 part of pure lime juice...add tonic water or sprite to taste...kung gusto mong medyo matapang konti lang, then put a slice of apple, pampatanggal ito ng pait and add ice...ahhhh! refreshing!

Natikman ko 'to, 7 yrs old pa lang yata ko...kaya nga ungas tatay ko eh.

GIN-POMELO

Paborito ng mga babaeng lasenggera...hehehe

eng-gri-dyents:

Gin (bilog)
Pomelo juice powder
Ice yelo with water

2 ang paraan ng paggawa nito...karaniwan yung tinitimpla ang pomelo juice then ihahalo yung gin...cocktail(buntot ng manok?) ika nga...matamis kaya peyburit ng mga babae!
Pero may isang teknik na konti lang ang nakaka alam...bawasan ng isang tagay ang gin (bilog) at ilagay ang pomelo powder sa loob ng bote ng gin mismo...alugin hanggang matunaw ang powder sa loob ng bote at Itagay!...Mas swabe 'to kasi di ka iihi ng iihi sa kakainom ng marami.
Ok ba?

GIN with a TWIST

eng-gri-dyents:

Gin (bilog)
2-3 pcs. Kalamansi
Ice cold Water (tyeyser)

Pigain ang kalamansi sa Gin at Itagay! Pulutan???...hmmmm! chicks, ehehehe! Mani pwede na o kahit anong chichirya.

Flashbacksssss...

Naalala ko tuloy one time nun college...napagtripan tumagay ng bilog pagkatapos ng lunch...It was a humid and sleepy afternoon...Langya! pawis kilikili ko sa ininom namin, bakat pa naman sa t-shirt ko, dyahe sa mga chikababes...pero lakas magpagising ng dugo.

Aral: Laging maglagay ng deodorant sa kilikili.

Friday, June 11, 2004

BEER-GIN

Kailangan pa bang ipaliwanag 'to...all taym favorite na to. Ano ba masarap na pulutan dito...simple lang...lahat ng inihaw at pritong kahit ano...ahhh...rapsa!
May naalala tuloy akong wentong walang wenta tungkol dito...ang aking pers taym, bwakanabetch! Nag-ROTC kasi ko nung hay iskul, 3rd year ako nun, 4th year yun mga opisers...Niyaya akong uminom ng mga opisers at ang inumin,....BEER-GIN!
Lekat! ang lakas tumagay ni Ma'am at napansin ko ding nilalasing ako....kaya pala ah, may pagnanasa...Nagkunwari syang lasing na at ako ang pinaghatid...shapul! hehehe...wat a gud pers taym ekspiryens! Gusto nyo pa bang ituloy ko ang wento o lasing na kayo?

GIN-CALI

Paborito naming mag-pi-pinsan nun high school ako.

eng-gri-dyents:

gin (bilog o kwatro kantos)
Cali shandy
Ice yelo

preparations:

Mix 1 part gin to 2 parts of cali shandy...put ice and WALAH!

Manamis-namis to mga tol, kaya pwede sa mga chikababes, pero pag tumama...
wow wow wee! Masarap na pulutan dito ay yung maaalat tulad ng mani, chicharon o asin kung walang pulutan.

Fact of the day: alam nyo ba na mabisang breath deodorant ang gin???Tagayin mo lang o ipang-mumog...bango na ng breath mo...amoy chico!

Pers Lesson!

Umpisahan natin sa all taym peyburit!

GIN-BULAG

eng-grid-yents:

Gin (bilog o kwatro kantos)
Ice cold Water
Ice yelo

preparations:

walang preparasyon, itagay lang ng itagay at gawing chaser ang ice cold
water...masarap na kasamang pulutan ang chicharon na may sawsawang
sukang maanghang...ahahahay! naglalaway ako

Bakit tinawag na gin-bulag...di ko rin po alam.






HIK!

Salamat mga kaibigang blogadogians! Welcome!
Sa wakas, may sarili na kong BLOG! teka, ano bang mapapala mo sa pagbasa dito, isa lang masasagot ko parekoy! WALA!
Cge cge....i'll try my best para maging honest and funny tong blog site kong ito...ang at the same time, TAGAY NA! hik!
Alam nyo mga parekoy, dito sa singapore, mawawala ang bisyo nyo. Hindi dahil sa good influence ang mga tao dito (akshule, bad influence sila dahil dami nilang bad breath at bad odor...nyeee!) kundi dahil ang mahal ng YOSI at ALAK dito ...wahhhh!
Kaya heto ako ngayon, heto po ang pinagkaka abalahan...Pag umuuwi nga kami ni bayaw, kahon kahon na gin ang binibili, hahahaha. Mas miss namin gin kesa sa mga imported na alak.
Isa sa mga ipa-publish ko nga pala dito sa BLog ay ang iba't ibang klase ng pagtimpla ng alak...okis? kaya tara na mga parekoy, Tagayan na!