Wentong lasing, wentong walang wenta, wento ng buhay-buhay, wento ng mga walang wentang tao dito sa singapore, nasa oz na!

Saturday, August 20, 2005

Kwatro-kantos

Heto na ang napakasarap na 4 na TAGay ni Mang Goyong!

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO:
1. lola ko - sa pagdadalantao sa nanay ko
2. nanay ko - sa pagdadalantao sa kin
3. asawa ko - sa paglalaba ng brip ko ng 4 na taon na walang hinihinging bayad
4. anak ko - sa pagsapok sa kin ng walang malisya

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Manny Pacquiao - sa kagalingan sa pagsalo ng mga suntok ni Morales
2. Fernando Poe - sa galing ng pag-iwas sa bala
3. Lito Lapid - sa galing mangabayo ng babae
4. Chitae - sa pakikipaglips to lips kay Kris Aquino

APAT NA MAGAGANDANG LUGAL SA PILIPINAS NA NARATING MO.
1. Greenbelt nung mid 80's
2. Quad nung mid 80's
3. Bukid sa probinsya namin
4. Tagaytay highlands

APAT NA LUGAL SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Mt. Apo
2. Babuyan Islands
3. Tawi-tawi
4. Quezon Ave sa gabi (di pa ko nakapunta talaga dun)

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS.
1. Maitim na usok ng sasakyan
2. nagkalat na dumi ng aso
3. Bagoong
4. bakla (nagkalat kasi ang mga bakla sa tin, hehehe)

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO.
1. Pakbet ilokano
2. pritong tuyo
3. lumpiang sariwa
4. lechon

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
1. dayukdok
2. dinayukdok
3. dadayukdukin
4. magpapadayukdok

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG.
1. Humanap ka ng panget - pang-asar
2. Bikini mong Itim - pang "mahilig"
3. tenk yu! tenk yu! ambabarat ninyo! - pang-karoling
4. Hindi kita malilimutan - pamatay

APAT NA MATATAMIS NA SALITANG O KATAGANG PILIPINO
1. inuyat - Halika na, inuyat ko!
2. makapuno - Ikaw ang makapuno ng buhay ko!
3. pulot - Sintamis ng pulot ang labi mo!
4. gata - Napakinis ng kutis mo at napakaputi tulad ng gata

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Arroyo
2. Garcillano
3. Marcos
4. lahat ng apelyido ng pulitikong ugok

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK.
1. Tekla
2. Isponklong
3. Bangaw
4. Gloria

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA.
1. Tirador
2. Sumpit
3. Syato
4. bahay-bahayan

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS.
1. gobyerno
2. polusyon
3. traffic
4. masasamang tao

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. demokrasya
2. pagkain
3. mahilig maligo ang Pinoy
4. pagkain ulit

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS.
1. Mangurakot
2. Mangurakot pa ng madaming pera
3. Kurakutin pa ang lahat ng makukurakot
4. Ipunin ang lahat ng nakurakot at bayaran ang lahat ng utang ng Pilipinas.

Saturday, August 13, 2005

What's on the menu

Inggitin ko lang kayo ng lunch ko kanina. Heto ang menu namin:
Pritong Isda na di ko alam ang pangalan pero kahawig sya ng galunggong, malaki nga lang ng kunti, Kangkong with bagoong, fresh kamatis at Manggang hinog na galing sa Pinas. Sarap magkamay! Inggit ka ba Ka Uro? hehehehe.



At pagkatapos lumamon kumain, ang kasunod ay isang iced-cold:

Friday, August 12, 2005

Cruisin

Feeling senti ngayon, 8 compilation ng cruisin' cd's ang nasa player ko. Nakakatamad tuloy, parang ansarap humilata sa kama, magbasa ng book habang nakikinig ng music, may fruit cocktail na kinakain, may juice na iniinom at naririnig ang agos ng tubig sa labas habang sumasabay sa hangin ang puting kurtina ng bintana. At and pinaka-importante, may 2 seksing masahista sa likod at paa ko.

Lahat naman siguro tayo, may dream house ano? Ang sa akin, gusto ko maliit lang. 2 bedrooms with balcony at open concept na living room, dining at kitchen at may
skylight para natural ang lighting effects. Ang mga ilaw mostly ay wall-mounted at warm lights para relax ang dating. Sa balcony, may jacuzzi, overlooking ang pool at may japanese garden. Gusto ko ng pitched-roof para may attic, nandun ang work area at library.

Sya nga pala, gawa na ang construction plan nyan, pera na lang ang kulang. Toilet pa
lang ang kaya kong ipatayo sa ngayon kaya babye muna, work muna ko.

Thursday, August 11, 2005

They said Sg has only one season and that is summer. Since this island is tropically located on the equator, the weather should be most of the time sunny. Its climate is most hot and humid with more rainfall during the monsoon season, which is from November to January. Even though with more rainfall during the monsoon season, there is still a fair share of sunshine during this period. But like woman, I would say the weather here is unpredictable, no offense girls :)

It's been raining almost the whole week but suprisingly the sun was up last Sunday and we grabbed the opportunity to have a picnic and swim to the beach. And after burning our back on the gruelling heat, the sun bid us a farewell with this relaxing view:

Monday, August 08, 2005

Dig it or shave it

Olrayt! bukas na ang pinakamimithi naming holiday. Isang araw lang pero ok na rin. Mas Ok sana kung makakapag-leave ako ngayon pero dehins pwede, daming meetings. Ganito talaga dito, kukunti ang holiday kaya halos kabisado namin ang date. Tuwing Chinese new year lang mahaba-haba ang holiday dito which is 1 week.
Di ko na nga maalala ang pinaka-mahaba kong bakasyon mula nang mag-work ako dito,
yung hihilata lang at walang iisipin.

Naalala ko dati nung bata ako, fiesta carnival lang ang hinihirit ko sa parents ko, pero si Sean, Disneyland Hongkong, hanep! Nakikita nya kasi yung mga advertisements ng grand opening sa September, pero buti na lang fully-booked na. May pinag-iipunan talaga kaming bakasyon para sa next year kaya wala munang extra gastos this year.

Naisulat ko nun na paborito ko ang Lunes, madalas kasi na wala ang mga amo. At pag wala ang mga amo, di mawawala ang mahabang kwentuhan sa Pantry habang humihigop ng kape. Minsan, parang open forum at minsan, puro kagaguhan lang. Kanina, inabot ng isang oras ang usapan tungkol sa kulangot at buhok sa kilikili ng mga babae. Tatagal pa sana ang usapan, nahinto lang dahil may phone call ako. Pag tingin ko sa relo ko, naknang! isang oras pala ang nasayang sa walang wentang usapan na yun. Buti na lang, sinalo nung isang ka-project ko yung meeting this morning kaya libre akong mag-blog, hik!